Canadian nabiktima ng Ipit Gang

Isang 70-anyos na Canadian national ang personal na dumulog sa Manila Police District ma­tapos mabiktima ng mga hinihinalang mi­ yem­­bro ng “Ipit Gang” ka­hapon ng umaga sa Malate, Maynila.

Kaagad namang na­aresto ng pulisya ang isang suspek na si Roberto Acusar, 40, ng Mithi st. Caloocan City matapos ireklamo ng biktimang si David Shanks, binata at pan­samantalang nanu­nu­luyan sa Malate Pen­sion House sa Malate.

Naglalakad si Shanks sa panulukan ng Adria­tico at Sta. Monica Streets sa Malate nang lapitan ng suspek at inalok na bumili ng tini­tinda nitong Viagra.

Tumanggi ang biktima subalit kinulit pa rin ito ni Acusar hang­gang sa lumapit ang ka­samahan nitong si Buboy.

Nag-usap ang dala­wang suspek habang nasa harapan ang bik­tima ngunit agad na umalis si Buboy at bi­nangga pa ang biktima bago ito tuluyang maka­layo.

Paghawak ng biktima sa kanyang bulsa ng suot niyang jacket ay nawa­wala na ang kanyang wallet na may lamang debit card, driver’s license, mga I.D., at P8,000 cash.

Kaagad na pinigil ng biktima si Acusar na pina­niniwalaan nitong kakut­saba si Buboy.

Binitbit ng mga ru­mes­pondeng pulisya si Acusar samantalang hindi na narekober ang mga gamit at pera ng biktima. (Gemma Garcia at Ludy Bermudo)

Show comments