^

Metro

3-anyos na bata pisak sa rebulto

- Nina Gemma Amargo-Garcia at Ludy Bermudo -

Isang tatlong taong gulang na batang babae ang namatay nang ma­bagsakan ng isang ma­laking batong imahe ni Mama Mary kahapon ng umaga sa Tondo, May­nila.

Namatay habang gi­nagamot sa Mary Jhons­ton Hospital sanhi ng pagkabasag ng bungo ang biktimang si Bea Vinoya ng #1540 Sta. Maria St., Tondo.

Lumilitaw sa imbesti­gas­yon ng pulisya na dakong alas-8:45 ng umaga nang magtungo sa kalapit na tindahan sa Nicodemus St. ang bik­tima kasama ang yaya niyang si Anna Liza Isidro,18-anyos, upang bumili ng softdrinks.

Sa salaysay ni Isidro sa pulisya, nakahawak sa kanyang damit ang biktima habang karga pa niya ang limang-buwang gulang na kapatid nito.

Hindi napansin ni Isidro na nakabitiw ang biktima sa kanyang damit at nang kanyang lingunin ay nakadagan na sa bata ang mahigit anim na ta­lampakang taas na re­bulto ni Mama Mary.

Kaagad umano siyang humingi ng tulong sa mga taong naka­paligid sa lugar subalit hindi siya pinansin at kumilos lamang ang mga ito nang may ma­kitang umaagos na dugo buhat sa katawan ng biktima.

Ayon kay Isidro, dati ay wala sa nasabing lugar ang naturang re­bulto at kahapon ay na­kita na lamang nila sa lugar ang imahe na naka­sakay sa isang sidecar.

Ang nasabing rebulto umano ay nasa panga­ngalaga ng isang Ra­moncito De Guzman, 56, taxi driver ng 504 Nico­demus St.

Taunang iniispon­soran ni de Guzman ang kapistahan ng Tondo kaya dinadala sa kanila ang imahe ni Mama Mary.

Hindi niya inaasahan na may magaganap na ganitong uri ng insi­dente sa kanilang lugar isang araw bago sumapit ang piyesta ng Tondo.

Nabatid na hindi na nagsampa ng kaso ang pamilya ng biktima dahil nangako naman si De Guzman na tutulong sa anumang gastusin.

Nabatid na ang imahe ay pansamanta­lang ini­lagay sa lugar malapit sa tindahan na inihatid pa umano ng ilang katao sakay ng isang sidecar.

Sinabi naman ni De Guzman na galing sa kan­yang bahay ang imahe at dahil isponsor sila sa piyesta, inililipat ito sa simbahan para sa parada sa tuwing piyesta ng Sto. Niño.

Aksidente lamang umano na bumagsak ang rebulto na nakatak­dang isakay sa isang sidecar nang malapitan ng bik­tima nang walang naka­pansin.

Nabatid na mga vendor ang magulang ng biktima at nasa pa­lengke nang maganap ang insidente.

ANNA LIZA ISIDRO

BEA VINOYA

DE GUZMAN

ISANG

ISIDRO

MAMA MARY

MARIA ST.

MARY JHONS

NABATID

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with