^

Metro

LTFRB nagbigay ng palugit sa mga taxi sa pag-iisyu ng resibo

-

Nagbigay na ng palugit ang   Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pagsapit ng Enero 2010 lahat ng taxi units sa bansa ay kailangang may nakalagay ng receipt-issuing machines.

Ang hakbang ay inanunsiyo ni LTFRB Chairman Thompson Lantion makaraang ipagpaliban hanggang Hulyo ang imple­mentasyon ng kautusan para sa paglalagay ng makina na mag-iisyu ng resibo para sa mga pasahero ng taxi.

Bukod sa deferment, pinapayagan din ng LTFRB ang Associa­tion of Taxi Operators of Metro Manila (ATOMM) na mag-isyu ng manual receipts simula sa Hulyo hanggang Disyembre ng taong ito.

Una rito, giniit ng ATOMM na malamang na hindi muna sila makapaglagay ng makina sa Hulyo dahil sa kawalan ng pondong magagastos dito na aabutin ng P20,000 kada isang unit.

Sa panig ng Philippine National Taxi Operators Association (PNTOA), sinabi ni PNTOA Bong Suntay na tanggap nila ang hakbang na ito ng LTFRB na malagyan ng electronic ticketing machines ang kanilang mga taxi bago pa man sumapit ang buwan ng Hulyo. (Angie dela Cruz)

ANGIE

ASSOCIA

BONG SUNTAY

BUKOD

CHAIRMAN THOMPSON LANTION

CRUZ

HULYO

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

PHILIPPINE NATIONAL TAXI OPERATORS ASSOCIATION

TAXI OPERATORS OF METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with