Mister niratrat ng 3 'parak'

Isang 35-anyos na mister ang kritikal matapos na pagba­barilin at bigong mapaslang ng umano’y tatlong “pulis”, ka­ha­pon ng madaling-araw sa Pasay City.

Agaw-buhay na dinala sa Pasay City General Hospital bu­nga ng mga tama ng bala mula sa.9mm kalibre ng baril ang biktimang si Kimmy Catajan, residente ng Marcelo Com­pound, Marcelo St., ng nabang­git na lungsod.

Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Allan Valdez, may hawak ng kaso, dakong alas-4 ng ma­daling-araw nang mangyari ang nasabing insidente sa loob ng Marcelo Compound nabang­git na lugar nang biglang duma­ting ang tatlong armadong lalaki.

Ayon sa saksi na si Jurell Biazon, 25, na tatlong lalaki ang unang pumasok sa naturang compound hanggang sa maka­rinig na lamang siya ng da­lawang putok.

Kasabay nito, nakita umano niyang tumatakbo palabas ang mga suspect hawak ang baril at hinahabol ang biktima sa Bur­gos St. ng naturang lungsod.

Ilan saglit pa ang nakalipas, nakita umano niya ang mga sus­pect na nakatutok ang baril sa biktima saka pinaputukan ito habang nakataas ang dalawang kamay ng huli.

Dahil sa pag-aakalang na­patay ang biktima, ang mga sus­pek ay agad na tumakas at ini­wa­nan ang biktima na dugu­ang nakahandusay sa lan­sangan.

Batay sa ibinigay na des­cription ng mga saksi na nag­dala sa biktima sa nasabing pa­gamutan, may holster ng baril sa tagiliran ang mga suspect na pinaghihinalaang mga pulis. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments