^

Metro

Rollback sa krudo, taas-presyo sa LPG

- Nina Rose Tamayo-Tesoro at Angie Dela Cruz -

Nag-rollback na rin ka­hapon sa kanilang mga pro­duktong petrolyo ang ilan pang mga kompanya ng langis na kinabibilangan ng “big three”.

Magugunitang una nang nagtapyas ng 50 sentimos ang Eastern Petroleum kama­kalawa ng hapon sa presyo ng kanilang gasolina, diesel at kerosene, habang kahapon ng madaling-araw naman ay sinundan ito ng “big three” o Pilipinas Shell, Petron Philip­pines at Chevron.

Alas-6 naman ng umaga ay sinundan din ito ng Total Philippines na nagbaba rin ng kaparehong halaga sa ka­ni­lang mga petroleum products.

Ayon sa Department of Energy (DOE), ang ikinasang panibagong rollback ng na­sabing oil companies ay bun­sod pa rin ito ng mababang halaga ng langis sa world market.

Muli rin kasing bumagsak sa $35.40 ang kada-bariles ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Kamakalawa ay huling iniulat ang pagbagsak ng 5 porsiyento sa presyo ng langis sa world market bunsod na rin ng hindi pa nareresolbang global financial crisis dahil nabawasan ang demand para sa langis at enerhiya.

Batay sa pinakahuling kalakalan, ang US crude ay bumagsak ng $1.88 at su­madsad sa $35.40 per barrel, habang ang London Brent ay bumaba ng 39 cents o pumalo naman sa $44.69 kada-bariles.

Dahil dito, muling nagba­bala ngayon ang OPEC na muli nilang tatapyasan ang produksyon sa langis kapag patuloy ang pagbagsak ng presyo nito sa world market.

Samantala, inanunsiyo naman kahapon ng Liquigaz ang nakatakdang pagpapa­tupad nila ngayong araw ng taas-presyo sa kanilang lique­fied petroleum gas (LPG)

Ayon kay Jun Golingay ng Liquigaz, P2 pagtaas sa bawat-kilo ng kanilang LPG na may kabuuang P22 sa kada-11 kilogram ng cylinder nito ang kanilang ipapataw ngayon.

Ang hakbangin ng Liqui­gaz ay kasunod na rin ng pag­taas umano ng presyo o actual cost ng pagbili ng kanilang produkto.

Sa kabila nito, tiniyak naman ni LPGMA president Arnel Ty na hindi sila susunod sa Liquigaz at sa halip ay magpapatupad na lamang ang grupo ng una ng pagta­taas sa presyo ng kanilang LPG sa darating na buwan ng Pebrero.

Sa ngayon naglalaro ang presyo ng produktong nasa ilalim ng LPGMA sa P420-P470 bawat 11 kilong cylinder.

ARNEL TY

AYON

DEPARTMENT OF ENERGY

EASTERN PETROLEUM

JUN GOLINGAY

KANILANG

LIQUIGAZ

LONDON BRENT

PETRON PHILIP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with