^

Metro

Kano timbog sa droga sa NAIA

-

Isang American citizen ang inaresto ng mga tauhan ng Avia­tion Security Group (Avse­group) matapos na mahulihan ng hinihinalang ipinagbabawal na marijuana at drug parapher­nalia sa Ninoy Aquino Inter­national Airport (NAIA) kahapon ng umaga.

Ipinasa na ng Avsegroup sa Philiipine Drug Enforcement Agency ang suspect na kinila­lang si Martin Richard Camp­bell, 42, binata, ng Winilow Circle, Golffort, Mississipi, USA matapos ang isinagawang paunang pagsisiyasat dito.

Sa isinagawang imbestigas­yon ni SPO1 Jolly Guiling, da­kong alas-8:50 ng umaga nang mapigilin si Campbell habang dumadaan sa final check sa departure area.

Ayon kay Guiling, habang kinakapkapan ng nakatalagang screening officer na si Norberto Santiago ang nasabing Ameri­kano nang makuha sa bulsa nito ang isang tooter at isang maliit na plastic na nakapaloob ang umano’y pinatuyong mari­juana.

Dahil dito, agad na ipinag­bigay-alam ng nasabing body frisker sa mga nakatalagang ta­uhan ng Avesgroup sa depar­ture area ang narekober sa na­sabing pasahero sanhi upang pigilin ito at sumailalim sa pagsi­siyasat.

Napag-alamang patungo ang naturang dayuhan sa Pa­lawan at nakatakdang sumakay sa Air Philippines flight 2P-945 sa NAIA Terminal 3 nang ito ay ma­sabat. Inihahanda na ang pag­sa­sampa ng kaso laban dito.  (Ellen Fernando)

AIR PHILIPPINES

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

ELLEN FERNANDO

JOLLY GUILING

MARTIN RICHARD CAMP

NINOY AQUINO INTER

NORBERTO SANTIAGO

SECURITY GROUP

SHY

WINILOW CIRCLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with