^

Metro

Carjacker patay sa barilan

- Danilo Garcia -

Isa na namang carjacker ang napatay ng mga tauhan ng pulisya sa isang engku­wentro kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Patuloy pang inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek na nasa pagitan umano ng edad na 50-53 anyos, nakasuot ng maong na pantalon at t-shirt. Pinagha­hanap naman ang nakatakas nitong kasamahan.

Sa ulat ni Talipapa station (Station 3) commander, Supt. Marcelino Pedrozo, naganap ang engkuwentro dakong alas-9 kamakalawa ng gabi sa kanto ng Road 20 at EDSA sa Brgy. Bahay Toro.

Nabatid na unang hinol­dap at tinangayan ng scooter ng dalawang suspek ang biktimang si Recto Esteron sa may Ferma Road, sa natu­rang barangay. Agad namang naiulat ni Esteron ang krimen sa nagpa­patrul­yang pulis ng Station 3 na agad na humabol sa mga suspek.

Minalas naman na na­si­raan ang ninakaw na scooter ng mga suspek kaya na­abutan ang mga ito ng mga pulis na kinukumpuni ito. Sinabi ng mga pulis na una umanong nagpaputok ang mga suspek kaya napilitan silang gumanti ng putok sanhi ng pagkakapaslang ng isa sa mga ito habang tuluyang nakatakas ang isa pa. Isang kalibre .38 ang narekober ng mga awtoridad sa bangkay ng nasawing suspek.

Sinabi ni Pedrozo na ma­aaring miyembro ng isang grupo na kanilang minamat­yagan na nambibiktima ng mga nagmo-motorsiklo sa Congressional Avenue ang napaslang.

Sa rekord ng pulisya, umaabot na sa 11 hinihi­na­lang holdaper at karnaper ang napapaslang ng QCPD sa shootout sa iba’t ibang lugar sa lungsod sa pagpasok ng taong 2009 kabilang ang pag­kakalansag sa Alvin Lagado kidnap for ransom gang sa Quezon Avenue noong Enero 7.

ALVIN LAGADO

BAHAY TORO

CONGRESSIONAL AVENUE

FERMA ROAD

MARCELINO PEDROZO

QUEZON AVENUE

QUEZON CITY

RECTO ESTERON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with