^

Metro

Random drug test sa mga iskul, ok sa Maynila

-

Pabor ang lungsod ng May­nila sa kautusan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa pagsasagawa ng random drug test sa mga public at private schools sa high schools at kolehiyo bunga ng kontro­ber­siyal na usapin hinggil sa kaso ng Alabang Boys.

Kapwa nagpahayag ng ka­handaan sina Manila Vice Mayor Isko Moreno at 3rd Dis­trict Councilor LetLet Zarcal na isailalim sa random drugs test ang mga public at private school sa lungsod upang ma­tiyak na hindi gumagamit ng mga ipinagbabawal na gamot ang mga estudyante rito.

Ayon kay Moreno, 100 por­siyento ang kanyang suporta sa drug test na dapat na simulan sa high school dahil ang mga ito ang kadalasang ginagamit ng mga sindikato bunga na rin ng kawalan ng legal liability o hindi maaaring kasuhan dahil na rin sa under age.

Aniya, dapat na maging ma­ingat ang ahensiya ng pama­halaan na magsasagawa ng random drug testing dahil po­sibleng makaapekto ito sa pagkatao ng isang bata.

Iba naman ang usapin sa kolehiyo dahil ang mga ito ay may sapat nang pag-iisip kung ano ang tama o mali. Gayun­man, kung ito ay user, maaari naman itong ipa-rehab.

Nakahanda umanong tumu­long ang Manila Drug Abuse Council (MDAC) sa ilalim ng kanyang pamamahala.

Sinabi naman ni Zarcal na ang kan­yang pagpabor ay para na rin sa kapakanan ng mga kabataan. Nanawagan naman si Mo­reno sa kanyang kapwa artista na tigilan na ang pag­gamit ng ipinagbabawal na droga. (Doris Franche)

vuukle comment

ALABANG BOYS

ANIYA

DORIS FRANCHE

DRUG ABUSE COUNCIL

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

SHY

ZARCAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with