^

Metro

2 holdaper bulagta sa shootout

- Danilo Garcia -

Dalawa na namang pinani­niwalaang holdaper ang ini­ulat na nasawi makaraang makipagpalitan ng putok ng baril sa mga tauhan ng Quezon City Police kahapon ng madaling-araw sa nabang­git na lungsod.

Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang pagka­kakilanlan ng mga napaslang na suspek na hinihinalang mga holdaper na nambibik­tima ng mga jeep na may biyaheng Cubao-Quiapo.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-12:30 ng madaling-araw nang maganap ang palitan ng putok sa pagitan ng mga sus­pek at tauhan ng La Loma police station sa kahabaan ng Quezon Avenue malapit sa Biak na Bato.

Nabatid na unang suma­kay ang mga suspek ng isang pampasaherong jeep (TVY469) sa Araneta Avenue at nagdeklara ng holdap pagsapit sa D. Tuazon Street kung saan nilimas ang mga pera, alahas at cellphone ng mga pasahero.

Pinababa naman ng mga holdaper ang mga pasahero at inutusan ang driver na paandarin ang jeep patungo sa direksyon ng La Loma. Dito naman nakasalubong ng patrol unit sa pangunguna ni P/Insp. Mario Pascual ang jeep kung saan hinarang ito dahil sa kahina-hinalang mga suspek.

Agad namang umanong nagpaputok ng baril ang mga suspek sa mga alagad ng batas na gumanti sanhi ng pagkakabistay sa bala ng mga salarin.

vuukle comment

ARANETA AVENUE

BATO

BIAK

LA LOMA

MARIO PASCUAL

QUEZON AVENUE

QUEZON CITY POLICE

SHY

TUAZON STREET

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with