Umiwas sa aresto, tumalon sa sapa, nadedo

Sa takot na maaresto sa tupada, tumalon sa sapa at patay na nang lumu­tang ang hindi pa nakikilalang lalaki sa Ca­loocan City kahapon ng umaga.

Tinatayang nasa edad 40 hanggang 45 ang bik­tima, nakasuot na kulay asul na t-shirt at short ang biktima. Patay na itong lu­mutang sa sapa sa Almar, Bagong Silang ng lungsod na ito dakong alas-6 ka­hapon ng umaga.

Nabatid na noong na­ka­lipas na Linggo ng umaga ay nagkaroon ng tupada sa nasabing lugar kung saan ni-raid ito ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detec­tion Group (CIDG).

Sa takot na masama sa 30 katao na naaresto ay tumalon ito sa sapa at hindi na nakita hanggang sa lu­mutang itong patay na kahapon. (Lordeth Bonilla)

Show comments