Palaboy namatay sa ginaw

Pinaniniwalaang dahil sa matinding ginaw kaya namatay ang isang la­laking palaboy at wala ring saplot sa katawan, habang natutulog sa bangketa, sa Sampaloc, Maynila ka­hapon ng umaga.

Ang biktima ay inilara­wang nasa edad 40-45, may taas na 5’3 hanggang 5’4 talampakan, maitim ang kulay ng balat, payat ang pangangatawan.

Ayon sa ulat, dakong alas-7 ng umaga nang ma­diskubreng patay ang biktima sa harapan ng M. Lhuiller Pawnshop, sa kanto ng Lerma at Paredes Sts., Sampaloc, Maynila.

Nabatid na ginising umano ng tanod na si Jo­seph Gonzales ang bik­tima subalit matigas na ang katawan nito. Naka­takip lamang ng isang kumot ang biktima at wala itong saplot. Wala ring pa­la­tandaan na ito ay pina­hirapan. (Ludy Bermudo)

Show comments