Political leader sa Valenzuela itinumba

Pinagbabaril hang­gang sa mapatay ng tat­long hindi nakikilalang kalalakihan ang isang 50-anyos na political leader umano ni Valen­zuela Mayor Sherwin Gat­chalian sa harap ng bahay nito kahapon ng umaga sa nabanggit na lungsod.

Patay na nang idating sa Manila Central Uni­ver­sity (MCU) Hospital ang biktimang si Mariano Santiago, nakatira sa Bau­tista St., Mapulang Lupa ng nabanggit na lungsod. Nagtamo ito ng tama ng bala ng baril sa batok.

Samantala, nagsa­sagawa pa ng follow-up operation ang mga ka­gawad ng Valenzuela City Police laban sa tat­long suspek na mabilis na tumakas matapos ang isinagawang krimen.

Sa inisyal na imbesti­gasyon ng pulisya, na­ganap ang insidente dakong alas-6 ng umaga  sa harap ng bahay ng bik­tima sa nabanggit na lugar.

Nabatid, na sumakay ang mga suspek sa tri­cycle na pinapasada ni Jose Calimag at nagpa­hatid ang mga ito sa bahay ng biktima.  

Nang makarating ang mga suspek sa bahay ng biktima, bumaba ang mga ito at nang ma­kita ang biktima ay walang sabi-sabi itong pinagba­baril.

Mabilis na isinugod si Mariano ng kanyang mga kaanak sa paga­ mutan, ngunit hindi na ito umabot ng buhay.

Inaalam pa ng pu­lisya kung ano ang po­sibleng motibo sa isina­gawang pagpaslang. Hindi pa matiyak kung may kina­laman ito sa pulitika.

Show comments