Patay ang isang pahinante nang maiipit ito ng dalawang tanker truck, kahapon ng umaga sa Malabon City.
Lasog ang katawan at namatay noon din sa pi nangyarihan ng insidente ang biktimang si Anthony Alonzo, 29, ng Magsaysay St., San Agustin ng nabanggit na lungsod.
Sumuko naman sa pulisya si Eugenio Sola, 41 ng Gumamela St., Longos ng lungsod at driver ng Isuzu Truck Tanker CFL-821.
Batay sa ulat, alas-6 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng Spring Oil Compound, Magsaysay St., Malabon City.
Nabatid na kakatapos lamang na maglipat ng mantika ang tanker ni Sola sa isa pang tanker nang paandarin na ito ng suspect.
Pag-atras ng suspect ay hindi nito namalayan ang biktima sa likod ng tanker hanggang sa mahagip ito at mapitpit ang huli ng dalawang tanker dahilan upang agad itong masawi. (Rose Tamayo-Tesoro)