^

Metro

Pahinante na-sandwich ng 2 tanker truck, patay

-

Patay ang isang pa­hinante nang maiipit ito ng dalawang tanker truck, kahapon ng umaga sa Malabon City.

Lasog ang katawan at namatay noon din sa pi­ nangyarihan ng insi­dente ang biktimang si Anthony Alonzo, 29, ng Magsaysay St., San Agus­tin ng na­banggit na lungsod.

Sumuko naman sa pulisya si Eugenio Sola, 41 ng Gumamela St., Longos ng lungsod at driver ng Isuzu Truck Tanker CFL-821.

Batay sa ulat, alas-6 ng umaga nang maga­nap ang insidente sa loob ng Spring Oil Compound, Magsaysay St., Malabon City.

Nabatid na kakata­pos lamang na maglipat ng mantika ang tanker ni Sola sa isa pang tanker nang paandarin na ito ng suspect.

Pag-atras ng suspect ay hindi nito na­malayan ang biktima sa likod ng tanker hang­gang sa mahagip ito at mapitpit ang huli ng dalawang tanker dahilan upang agad itong masawi. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

ANTHONY ALONZO

EUGENIO SOLA

GUMAMELA ST.

ISUZU TRUCK TANKER

MAGSAYSAY ST.

MALABON CITY

ROSE TAMAYO-TESORO

SAN AGUS

SHY

SPRING OIL COMPOUND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with