^

Metro

Mga bagong ospital, iskul sa Valenzuela itatayo

-

Magkakaroon na ng bagong ospital at eskuwelahan ang Lungsod ng Valenzuela matapos maipasa sa Sangguniang Panglungsod ang isang ordinansa na nagbibigay kapangyarihan kay Mayor Sherwin “Win” Gatchalian na maghain ng “expropriation proceedings” ang pamahalaang lungsod sa ilang lupain na pag-aari ng ilang pribadong residente.

Ayon sa may-akda ng ordinansa na si Valenzuela City Liga ng mga Barangay President, Councilor Alvin Feliciano, kabilang sa sakop ng expropriation proceedings na pagtatayuan ng ospital ay ang 40 at 52 square meters land na pag-aari ng Geospecialist, Inc. at ang 1,997 na lupa na pag-aari naman ng isang nagnga­ngalang Raymond Arenas, kapwa matatagpuan sa Barangay Punturin ng nasabing lungsod.

Pagtatayuan naman ng bagong high school buildings­ ang 2,521 square meters na lupa na matatagpuan sa Barangay Malinta na kung saan ay pakikinabangan ito ng mga estudiyante sa naturang lugar. Sinabi ni Feliciano na sa pamamagitan ng “expropriation proceedings” para sa mga nabanggit na lupa ay mapapadali na ang pagbili ng lokal na pamahalaan ng mga naturang pag-aari upang mapagtayuan ng mga nakalinyang proyekto.

Pinagbatayan ni Feliciano sa nasabing ordinansa ang nakasaad sa Republic Act 7160 o mas kilala sa tawag na “eminent domain” kung saan sinasabi na may kara­patan ang lokal na pamahalaan na bilhin ang mga lupa na madadaanan o tatayuan ng mga infrastructure pro­jects ng gobyerno. Umaasa rin ang konsehal na makiki­pagtulungan ang mga may-ari ng nabanggit na lupa dahil maraming mga residente ang makikinabang dito kapag naituloy na ang mga nakalinyang proyekto. (Lordeth Bonilla)

BARANGAY MALINTA

BARANGAY PRESIDENT

BARANGAY PUNTURIN

COUNCILOR ALVIN FELICIANO

FELICIANO

LORDETH BONILLA

MAYOR SHERWIN

RAYMOND ARENAS

REPUBLIC ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with