^

Metro

3 holdaper todas sa barilan

- Danilo Garcia -

Tumibay muli ang kam­panya ng Philippine National Police laban sa mga kriminal makaraang tatlong hinihinalang mga kilabot na holdaper ang mapaslang ng mga tauhan ng Quezon City Police District sa isang barilan kamakalawa ng gabi sa Barangay Talipapa sa naturang lungsod.

Dalawa sa mga biktima ang kinilala ng mga oto­ri­dad base sa kanilang Social Security System identification card at sedula na sina Arnold Glodeviza at Mel Arthur Glodeviza, kap­wa residente ng Phase 8B, Block 27, Lot 19, Bagong Silang Caloocan City ha­bang kinikilala ang isa pang nasawi.

Sa ulat ni P/Insp. Angelo Nicolas, hepe ng QCPD-Anti Carnapping Unit, da­kong alas-9:10 kamaka­lawa ng gabi nang magba­rilan ang mga pulis at ang mga suspek sa kahabaan ng Mindanao Avenue, Ba­rangay Talipapa.

Sinabi ni Nicolas na unang hinoldap ng mga suspek ang 44-anyos na negosyanteng si Elpidio Piedad habang naghihintay ito ng masasakyan sa Com­­monwealth Avenue. Tinangay ng mga suspek ang P15,000 cash, isang relo, pitaka at isang cell­phone ng biktima.

Agad namang iniulat ni Piedad ang insidente sa Criminal Investigation and Detection Group-Quezon City sanhi upang ipakalat ang alarma sa lahat ng is­tasyon at unit ng QCPD. Na­­­tanggap naman ang alarma nina Nicolas na nag­sagawa ng dragnet ope­rations sa Mindanao at Quirino Avenue.

Naispatan ang mga sus­pek na sakay ng isang asul at isang pulang motor­siklo na sa halip na huminto ay nagpaputok ng kanilang baril at pinaharurot ang ka­nilang motor. 

Dito na nagkaroon ng ma­igsing habulan at palitan ng putok kung saan nasawi ang tatlong holdaper ha­bang nakatakas naman ang dalawa pa na sakay ng pulang motorsiklo.

Positibo namang kini­lala ng biktima ang mga suspek na hu­moldap sa kanya.

ANGELO NICOLAS

ANTI CARNAPPING UNIT

ARNOLD GLODEVIZA

BAGONG SILANG CALOOCAN CITY

BARANGAY TALIPAPA

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP-QUEZON CITY

ELPIDIO PIEDAD

MEL ARTHUR GLODEVIZA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with