Pista ng Nazareno 'extra-ordinary' - MPD

Sa kauna-unahang pagka­kataon, tinawag na isang “extra-ordinary” ng Manila Police District (MPD) Homi­cide Section ang naganap na selebrasyon ng kapistahan ng Nazareno noong Biyernes sa Quiapo, Maynila.

Sinabi ni SP02 Richard Lumbad, 21-taon na umano siyang naglilingkod bilang imbestigador ng homicide section at ito ang kauna-unahang pagkakataon na walang naitalang insidente ng pagkamatay sa kanilang tang­gapan sa buong magdamag na selebrasyon ng piyesta ng   Nazareno. 

Ito ay sa kabila ng naging magulo ang selebrasyon ng kapistahan ng Quiapo kada taon at tuwing magha­hating­gabi ay nagsusunud-sunod na ang tawag ng mga insidente ng patayan.

Nabatid na malinis ang blotter, ng MPD-HS, maliban sa isang fetus na tinatayang nasa 3-5 buwang gulang ang natagpuan sa may aplaya ng Baseco, Compound, Port Area, Maynila.

Ang naturang fetus ay natagpuan ni Felix Manlupa sa may lugar ng Tambacan dakong alas-11:45 ng gabi kung saan nakita nitong naka­balot sa isang plastic bag ang fetus na hindi na makilala ang kasarian. (Gemma Amargo- Garcia)

Show comments