Caretaker nagbaril sa sarili

Patay na nang matagpuan at may butas sa bungo ang isang caretaker na hinihi­nalang nagbaril sa sarili ka­hapon sa Quezon City.

Nakilala ang nasawi na si Corsinie Magtubo, binata, at stay-in sa Kaffe Caffe sa Banawe St. kanto ng Maria Clara St., Brgy. Sto. Domingo, La Loma, Q.C. 

Sa report ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), natag­puan ang biktima dakong alas-7 ng umaga sa loob ng tinutuluyang establisimyento.

Sa imbestigasyon, huling nakitang buhay ang biktima noong Enero 9 kasama pa ang kanyang ate na si Redgen, 22, cook sa pare­hong lugar, habang papunta sa bahay ng huli sa Cordillera St.

Kahapon, maagang pu­ma­sok sa naturang establi­sim­yento si Redgen ka­ sabay ang sekyu na si Roger Baca­tano, 38, at doon ay tumam­bad sa kanila ang biktima na nakaupo sa isang sofa habang duguan ang kanang bahagi ng ulo nito. Katabi nito ang isang cal .38 na paltik (Armscor-47456).

Pinalalagay ng pulisya na malamang na nagpakamatay ang biktima. Gayunman, binu­busisi din ng mga awtoridad kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng bik­tima. (Angie dela Cruz)

Show comments