Isang sunog na pinaniniwalaang nagbuhat sa depektibong bentilador ang sinasabing dahilan ng pagkaabo ilang bahagi ng neuro-surgery ward ng Philippine General Hospital sa Rizal Avenue, Sta. Cruz Maynila.
Kasabay nito, laking pasasalamat naman ng tagapagsalita ng PGH na si Dr. Michael Tee, na walang nasaktan sa sunog na naganap kamakalawa ng umaga.
Agad namang inutos ni Dr. Carmelo Alfilor, director ang masusing imbestigasyon sa supplier ng kanilang bentilador.
Minamadali na rin ang pagsasaayos ng bahaging nasunog sa surgery ward upang agad na maibalik ang mga pasyenteng inilabas dito nang maganap ang sunog.
Iginiit ni Tee na hindi maaaring matagal na sarado ang naturang lugar dahil na rin sa dami ng pasyenteng dinala sa nasabing ospital. (Doris Franche)