Isang 32-anyos na overseas Filipino worker ang iniulat na pinaslang ng kan yang asawa kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Base sa report ng Talipapa Police Station 3 ng Quezon City Police District (QCPD), kinilala ang biktimang si Hilda Maala, 32, ng Brgy. Culiat, Que zon City.
Ang bangkay ni Hilda ay natagpuan sa loob ng banyo ng bahay na tadtad ng mga saksak ng patalim sa kanang mata, sa ulo at sa tainga.
Pinaghahanap naman ng pulisya ang asawa ng biktima na si Arnold Maala, 35, na mabilis na tumakas matapos ang insidente.
Ayon kay PO3 Joy Marcelo, may hawak ng kaso ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit, dakong alas-3 ng hapon kamakalawa nang huling nakitang buhay ang biktima at kausap pa nito ang bayaw na si Alexander Sison.
Sinasabi ng mga kapitbahay ng biktima na sa pagitan ng alas-5 ng hapon hanggang alas-6:30 ng gabi ay narinig nilang nag-aaway sa loob ng bahay ang mag-asawang Maala.
Ganap na alas-8 ng gabi nang madiskubre ang naganap na krimen.
Patuloy namang iniimbestigahan ang insidente gayundin ang pagtugis sa sinasabing suspect na mister ng biktima.