^

Metro

Misis kinatay ni mister

- Ni Angie dela Cruz -

Isang 32-anyos na overseas Filipino worker ang ini­ulat na pinaslang ng kan­ yang asawa kamaka­lawa ng gabi sa Quezon City.

Base sa report ng Tali­papa Police Station 3 ng Quezon City Police District (QCPD), kinilala ang bik­timang si Hilda Maala, 32, ng Brgy. Culiat, Que­ zon City.

Ang bangkay ni Hilda ay natagpuan sa loob ng banyo ng bahay na tadtad ng mga saksak ng patalim sa kanang mata, sa ulo at sa tainga.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang asawa ng biktima na si Arnold Maala, 35, na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Ayon kay PO3 Joy Mar­celo, may hawak ng kaso ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit, dakong alas-3 ng hapon kamakalawa nang huling nakitang buhay ang bik­tima at kausap pa nito ang bayaw na si Alexan­der Sison.

Sinasabi ng mga kapit­bahay ng biktima na sa pagitan ng alas-5 ng hapon hanggang alas-6:30 ng gabi ay narinig nilang nag-aaway sa loob ng bahay ang mag-asawang Maala.

Ganap na alas-8 ng gabi nang madiskubre ang naganap na krimen.

Patuloy namang iniim­bes­tigahan ang insidente gayundin ang pagtugis sa sinasabing suspect na mister ng biktima.

vuukle comment

ALEXAN

ARNOLD MAALA

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION

HILDA MAALA

JOY MAR

POLICE DISTRICT

POLICE STATION

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with