2 milyon deboto dumagsa sa prusisyon ng Nazareno
Tulad ng inaasahan, hindi pa rin matatawaran ang pagdagsa ng libu-libong mga deboto na nakiisa sa pista ng Poong Nazareno simula pa ng misa ni Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales hanggang sa iprusisyon ito mula Luneta hanggang sa maipasok ito sa Simbahan ng Quiapo.
Tinatayang umaabot sa 2 milyon katao ang dumating sa Quirino Grandstand at sa Quiapo. Bukod pa ang mga naghintay sa mga dinaanang ruta.
Nagsisimula pa lamang ang prusisyon nang mag-umpisa na ring maghilahan ng lubid ang mga deboto na nani niwala na may ibibigay sa kanilang milagro ang paghawak ng anumang bagay na nag-uugnay sa kanila at sa imahe ng Nazareno.
Sa kalagitnaan ng prusisyon ay nagkaroon ng tensiyon matapos na iligaw ng mga deboto ang Poong Nazareno sa dati nitong ruta. Nabatid na ginamit pa rin ng ilang mga nagtutulak ng karosa ang lumang ruta bagama’t nagpalabas na ng bagong ruta ang parokya ng Quiapo church sa layuning maiwasan ang anumang disgrasya.
Nabatid na tumiwalag ang karosa ng Nazareno sa mahabang prusisyon at sa halip na dumiretso papunta sa Plaza Sta. Cruz, paikot sa Ronquillo, Rizal Avenue, Recto at kaka liwa sa Legarda, kakanan sa Arlegui, papunta sa Quezon Boulevard at saka papasok sa Simbahan ng Quiapo ngunit bigla itong kumanan sa Carlos Palanca at dumaan sa lumang ruta ng prusisyon na ang pinakahuling lugar na dinaanan ay ang ilalim ng Quiapo.
Sanhi nito, nagulo ang monitoring system ng MPD sa prusisyon, dahil nawala sa rutang dapat na daanan nito ang Itim na Nazareno at dumami ang prusisyon, na nagtapos naman lahat sa simbahan ng Quiapo.
Malaking bilang ng deboto ang dismayado, dahil hindi dumaan sa itinakdang ruta ang imahe ng Itim na Nazareno na kanilang inaabangan.
Kapansin pansin din ang may 100 replica ng Nazarene ang lumahok sa prusisyon na mula pa sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at mula sa lalawigan ng Cavite at Rizal.
Dakong alas-9:15 naman nang tuluyang sinara ang kahabaan ng Taft Avenue patungong Mc Arthur kung saan dadaan ang Nazareno. Apektado din ang Rizal Ave. at Quezon Blvd. na unang inihayag na pag-iikutan ng imahe.
96 SUGATAN
Umaabot naman sa 96 ang naitalang sugatan sa pista ng Nazareno. Ang mga ito ay nasugatan at nadaganan bunsod ng pakikipaghilahan sa prusisyon. Isa din ang naiulat na nabalian ng buto sa balikat na dinala sa Philippine General Hospital.
Habang isinagawa ang misa sinabi ni Dr. Evelyn Morales ng Manila Health Department ng Gat. Andres Bonifacio na umaabot sa 112 ang nahi matay at iilan din ang dumanas ng suffered hypertension, pagkahilo at pananakit ng tiyan sa dami ng tao.
Isa sa mga naipit sa karosa ay nakilalang si Iris Balano. Sa kabutihang palad ay mabilis itong nakuha.
- Latest
- Trending