^

Metro

Tapyas-presyo sa petrolyo, malabo na

-

Umalma ang consumer group matapos ipahayag ng ilang oil companies na wala nang maaasahang tapyas-presyo sa petrolyo sa buwan ng Enero.

Ayon sa Consumer and Oil Price Watch, hindi katanggap-tanggap na walang mangya­yaring oil price rollback ngayong buwan ng Enero.

Giit ng naturang consumer group, nararapat na ipatupad ng mga oil companies ang P2 rollback kada-linggo sa loob ng sunud-sunod na apat na linggo.

Magugunita na unang sinabi ni Flying V chairman Ramon Villa­vicencio na dahilan sa mga oil price hike na nangyayari sa international market ay malabo na aniyang magkaroon pa ng rollback ngayong buwan.

Una ring iginiit ni Villa­vicencio na naibigay na nila noong Disyembre ang dapat sanang rollback ngayong buwan at sagad na umano ito.

Aniya, anumang adjust­ments sa hinaharap ay nanga­ngahulugan ng pagtaas din sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Nabatid na pangunahing nakaapekto sa galaw ng oil price sa pandaigdigang pamili­han sa ngayon ay ang tensiyon sa Middle East dala ng giyera sa pagitan ng Israel at Hamas sa Gaza Strip.

Ayon naman sa Pilipinas Shell Petroleum Corp., gagami­tin na nila sa pagtukoy sa presyo ang tinatawag na “Mean of Platts Singapore” (MOPS), ang benchmark ng mga finished imported petroleum products sa kabila ng pagkakaron nila ng local refinery.

Hindi rin naman nagbigay ng indikasyon ang naturang mga kompanya sa presyuhan sa darating na mga linggo. Ayon naman kay Petron Corporation spokesman Virginia Ruivivar, wala umanong aasahang price adjustment ngayong linggo.

Sinabi naman ni Total Philip­pines Inc. spokesperson Malou Espina, ang tinatawag na market forces ang mag-deter­mina para sa price move­ments at dito rin malalaman kung magtataas sila o ka­ilangang pang mag-rollback sa kanilang petrolyo. (Rose Tamayo-Tesoro)

AYON

CONSUMER AND OIL PRICE WATCH

ENERO

FLYING V

GAZA STRIP

MALOU ESPINA

MEAN OF PLATTS SINGAPORE

MIDDLE EAST

PETRON CORPORATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with