^

Metro

Misis tinarakan ng live-in partner

-

Sugatan ang isang ginang ma­karaang saksakin ito ng kan­yang kinakasama ng tumanggi ang una na makipagtalik sa huli kamakalawa ng gabi sa Pasig City.

Kinilala ang biktimang si Myra Daymiel, 43, biyuda, resi­dente ng Villa Raymundo, Brgy. Pinagbuhatan ng nasabing lungsod. Ito ay nagtamo ng da­la­wang saksak sa ulo at braso matapos na tarakan ng gunting ng kinakasama nitong si Jolito Basa, 39.

Sa ulat ng Womens and Children’s Desk ng Pasig police, naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng gabi sa loob ng bahay ng magka live-in.

Nabatid na kasalukuyang nakahiga ang biktima sa kama ng tabihan ito ng kanyang kina­kasama at ayaing magtalik subalit tinanggihan ito ng una dahil sa pagod umano ito sa mag­hapong pagtitinda.

Dahil dito, nagalit ang sus­pek sabay tayo ng higaan at ki­nuha ang gunting na nakalagay sa ibabaw ng cabinet ay dala­wang ulit na sinaksak ang ginang na tinamaan sa ulo at kaliwang braso.

Nanlaban naman ang bik­tima at nakipag-agawan ng gun­ting sa suspek habang humi­hingi ng tulong sa mga kapit­bahay. Sinuwerte na parehong ma­ babaw ang pagkakasaksak sa ginang kaya kinailangan lamang bigyan ito ng paunang lunas sa pinakamalapit na pagamutan.

Sa himpilan ng pulisya, ma­riin namang itinanggi ng suspek na ang pagtanggi sa kanyang makipagtalik ang dahilan kaya niya nasaksak ang kanyang kinakasama.

Nagmakaawa naman ang lalaki na patawarin siya ng kan­yang live-in partner at sinabing nabigla lang umano siya subalit matigas ang desisyon ng babae na ipakulong ng tuluyan ang kan­yang kinakasama. (Edwin Balasa)

BRGY

DAHIL

EDWIN BALASA

JOLITO BASA

MYRA DAYMIEL

PASIG CITY

SHY

VILLA RAYMUNDO

WOMENS AND CHILDREN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with