^

Metro

Trader pinaslang sa harap ng 2 anak

-

Isang negosyante ang na­sawi sa harap pa ng kanyang mga anak makaraang tamba­ngan at pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek sakay ng isang motorsiklo, ka­ hapon ng umaga sa hang­ga­nan ng Quezon City at Maynila.

Nagtamo ng apat na tama ng bala ang biktima na si Car­melo Llado, 40, habang blangko naman ang mga awto­ridad sa pagkakakilanlan ng mga suspek.

Sa inisyal na ulat, naganap ang pamamaril dakong alas-6:30 ng umaga sa kanto ng Palanca at Santol Sts. sa Brgy. Santol, Quezon City.

Nabatid na sakay ang bik­tima ng kanyang Mitsubishi Pajero na may plakang WNR-692 para ihatid ang kanyang dalawang anak sa paaralan nang maganap ang krimen. Sa may Palanca street, isang Honda XRM type na lulan ang dalawang lalaki ang humarang sa Pajero at inutusan ito na hu­minto. Tumanggi naman si Llado at pinasibad ang kotse.

Dito naman humabol ang mga suspek at sunud-sunod na pinaputukan ang biktima na nagtamo ng apat na tama ng bala. Hindi naman nadamay sa naturang pamamaril ang mga anak nito na nagtamo ng emo­tional shock sa nasaksihang pag­­kamatay ng kanilang ama.

Agad na tumakas ang mga suspek na hindi makilala ang hitsura dahil kapwa naka­suot ng helmet. Inaalam naman ng mga awtoridad ang motibo ng na­turang krimen. (Danilo Garcia)

BRGY

DANILO GARCIA

DITO

LLADO

MITSUBISHI PAJERO

PALANCA

QUEZON CITY

SANTOL STS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with