^

Metro

4 kidnaper todas sa QC shootout

- Joy Cantos, Danilo Garcia -

Muli na namang naka­puntos ang Philippine Na­tional Police (PNP) laban sa mga kilabot na mga kawatan ma­tapos na apat na pinani­niwalaang mga kid­naper ang napaslang sa isang eng­kuwentro, kahapon ng mada­ling-araw sa Quezon City.

Kinilala ni National Capital Re­­gional Police Office (NCRPO) chief, Director Leo­poldo Bataoil ang mga na­sawing suspek na sina Emilito Comia, Joel Esguerra at Rex Miraflor, habang hindi naman umabot ng buhay sa East Avenue Medical Center ang sinasabing pinuno ng grupo na si Calvin Lagado.

Nabatid na miyembro umano ang mga ito ng Calvin Lagado kidnap-for-ransom gang ang mga nasawi na nag-ooperate sa Metro Manila, Region 3 at Region 4.

Sa inisyal na ulat ng pu­lisya, dakong alas-2:45 ng ma­daling-araw nang ma­ganap ang eng­ kuwentro sa may Quezon Avenue under­pass sa ilalim ng EDSA ma­tapos ang isang maigsing habulan.

Nabatid na nasabat sa isang checkpoint ng mga tauhan ng Highway Patrol Group at QCPD-Anti-Car­napping Unit sa may kanto ng Roosevelt Avenue at Quezon Avenue ang apat na suspek na sakay ng isang Toyota Revo na may plakang ZEW-363 ma­tapos na maghinala na hindi tugma ang plaka sa sa­sakyan. Sa halip na hu­minto, pinasibad naman ng mga suspek ang sa­sakyan na dito na nagsimula ang habulan.

Minalas naman na na­bangga ang sasak­yan ng mga suspek sa pader ng under­pass sanhi upang maabutan ang mga ito ng mga pulis. Dito na umano nagpaputok ang mga suspek na sinagot naman ng mga awtoridad na naging dahilan ng kamatayan ng mga ito. Wala namang iniulat na nasaktan sa panig ng pulisya.

Sinabi ni Bataoil na nagsa­sagawa ng “casing” ang mga sus­pek sa isa nilang target sa Quezon City na nasawata dahil sa na­turang engku­wen­tro. Pinuri rin nito ang mga ta­uhan ng HPG at QCPD sa pag­kakabuwag sa na­turang grupo.

Nabatid rin na kabilang sa mga naging biktima ng grupo sina Dominga Chu, Celina Dy, Wilbert Uy, Jhonny Corpuz, Daniel Ong, Marc Andrew Ma­catangay, William Uy, Bo­romeo Ang, Edwin Tan at Benita Chua.

Napag-alaman pa na una nang nadakip ng National Bureau of Investigation si Lagado noong Agosto 7, 2004 sa kasong pagpatay at na­hulihan pa ng granada.

BATAOIL

BENITA CHUA

CALVIN LAGADO

CELINA DY

DANIEL ONG

NABATID

QUEZON AVENUE

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with