^

Metro

Kotse ng konsehal nabaril ng pulis

-

Isang pulis-Crame ang nakatikim ng pananabon kay Quezon City Councilor Ariel Inton makaraang mabaril nito ang sasakyan ng huli sa isang alterkasyon sa trapiko kahapon ng madaling araw sa naturang lungsod. Kinilala ang pulis na si PO2 Jonathan Yasay, nakatalaga sa PNP Headquarters na isinailalim sa imbestigasyon ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit.

Nabatid na naganap ang insidente dakong alas-12:20 ng madaling araw sa Sanvil Subdivision sa Brgy. Culiat, ng naturang lungsod. Nabatid na minamaneho ni Genaro Martinez ang Toyota Revo (SGV-250) matapos na ihatid si Inton sa bahay nito na galing sa isang burol.

Sinabi ni Martinez na nakagitgitan umano niya si Yasay na nagalit at nagawang makapagpaputok ng baril. Tinamaan ang sasakyan sa likurang bahagi nito.

Sa depensa naman ni Yasay, pinapayapa umano niya ang isang away na nagaganap sa kanyang mga kapitbahay nang aksidente niyang mapaputok ang kanyang baril at tamaan ang kotse ni Inton na dumaraan sa naturang lugar ng naturang oras. (Danilo Garcia)

vuukle comment

DANILO GARCIA

GENARO MARTINEZ

INTON

JONATHAN YASAY

NABATID

QUEZON CITY COUNCILOR ARIEL INTON

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

SANVIL SUBDIVISION

TOYOTA REVO

YASAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with