Killer ng ex-MMDA personnel, tugis

Nanawagan kahapon ang kaanak ng napatay ng dating empleyado ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga awtoridad para mada­kip ang suspect na sina­sabing pagala-gala la­mang sa kanilang lugar sa Caloocan City. 

Sa paha­yag ng kaanak ng bikti­mang si Geofrey Baldi­simo, 26 ng Block 1, Phase 33, Dagat-dagatan ng lungsod, ma­da­las nang makita ang suspek na si Rodel Ru­bante, 28 at ka­lugar ng biktima na pagala-gala na sa kanilang lugar. 

Sa rekord ng pulisya, no­ong December 21, 2006, ala-1 ng umaga nang pag­­­­­sasak­sakin ng suspek ang bik­tima sa kanilang lugar ma­tapos ang isang pagtatalo nang sitahin ng nasawi ang suspect sa ginawang pam­babastos sa kanyang kapa­tid. 

Nakata­kas ang suspek hanggang sa babaan ng warrant of arrest ni Judge Victoriano Cabangos ng RTC Branch 126 sa ka­song homicide subalit hindi pa ito naaresto sa kabila ng pa­gala-gala lamang ito sa na­sabing lugar. (Lordeth Bonilla)

Show comments