^

Metro

Parak pinag-tripan, tinangkang tarakan

-

Tinawag muna ng sir, saka minura bago inundayan ng saksak ng isang naburyong na binata ang isang unipormadong pulis, kahapon ng madaling-araw sa Navotas.

Nagawa namang masalag ng biktimang si PO2 Noel Falcatin ng Northern Police District-Dictrict Mobile Force ang pana­naksak ng suspect na si Wilmer Viverino, 22 ng Los Martirez St., San Jose ng nabanggit na lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-4:30 ng madaling-araw nang mang­­yari ang insidente habang naglalakad si Falcatin sa Los Martirez St., nang salubungin ng suspect sabay mura at sabihan ng “Sir bakit ngayon ka lang”.

Laking-gulat na lamang ng biktima nang biglang bumunot ng patalim ang suspect at undayan siya nito ng saksak na nagawa naman niyang masalag.

Ilang minuto pa umanong nagpambuno ang biktima at ang suspect hanggang sa magapi ng una ang huli at dinala sa pre­sinto saka sinampahan ng mga kaukulang kaso.

Inaalam pa kung ano ang motibo ng tangkang pananaksak ng suspect sa biktima. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

BATAY

FALCATIN

ILANG

INAALAM

LOS MARTIREZ ST.

NOEL FALCATIN

NORTHERN POLICE DISTRICT-DICTRICT MOBILE FORCE

ROSE TAMAYO-TESORO

SAN JOSE

WILMER VIVERINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with