^

Metro

Opisina sa Malacañang nasunog

-

Nasunog ang isang tang­ga­pan sa bahagi ng Palasyo ng Malacañang sa San Miguel, Maynila, kahapon ng tanghali na umabot lamang sa ika-2 alarma.

Ayon kay SFO2 Emma­nuel Gaspar, arson investigator ng Manila Fire District (MFD), dakong alas-12:44 ng tanghali nang magsimula ang apoy sa tanggapan ng Office of the Deputy Presidential sa Room 404 ng Tahanan ng Masa Building na matatagpuan sa General Solano St., San Miguel.

Na­apula ang sunog dakong ala-1:07 ng hapon. Ito umano ang tanggapan ng Presidential Assistance for Central Luzon na pina­mumunuan ni Director Romy Cruz, sa ilalim ng Presidential Commission on the Urban Poor (PCUP).

Tinatayang aabot sa P100,000 ang halaga ng mga gamit na naabo na kung saan kasama umano sa mga nasu­nog ay mga lumang “files” na na­katago sa nasabing opisina.

Sinasabing bago ma­ga­nap ang sunog ay nagkaroon umano nang pagsiklab sa isang bahagi ng kuwarto malapit sa photo copier at hinihinalang electrical short circuit ang sanhi.

Wala namang naiulat na nasu­gatan o nasawi sa nasabing sunog habang patuloy pang tinutukoy ang tunay na dahilan ng sunog. (Ludy Bermudo)

CENTRAL LUZON

DIRECTOR ROMY CRUZ

GENERAL SOLANO ST.

LUDY BERMUDO

MANILA FIRE DISTRICT

MASA BUILDING

OFFICE OF THE DEPUTY PRESIDENTIAL

PRESIDENTIAL ASSISTANCE

SAN MIGUEL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with