^

Metro

FAME pinuri ang BI sa paglikha ng oportunidad sa trabaho

-

Nanawagan ang overseas placement sector sa pamahalaan na seryoso­hin ang pagsisikap nito na lumikha ng safety nets para sa overseas Filipino workers (OFWs) na maa­aring mawalan ng trabaho dahil sa problemang pinan­siyal na nararanasan ng mundo.

Sinabi ni Lito Soriano, isang nangungunang pi­gura sa overseas placement industry at executive director ng Federated Association of Manpower Exporters (FAME), na ang problemang haharapin ng OFWs sa kanilang pagba­balik ay hindi mareresolba ng salita lang ng gobyerno na bagong bayani ang mga OFWs.

“We want to see an action plan, a blue print on what the government shall do to make productive returning OFWs who are displaced because of the world economic crisis,” wika ni Soriano, na pinuri ang isang government agency na nagbigay ng pag-asa na seryoso ang pamahalaan sa paglikha ng trabaho dito.

Napansin ni Soriano at kanyang grupo ang hak­bang ng Bureau of Immig­ration’s (BI) na hikayatin ang foreign investments na magtungo sa Pilipinas kapalit ng alok na permanent resident visa para sa foreigners na kukuha ng sampung Pinoy na mang­gagawa sa bansa.

Ang BI ay ikatlo na sa honor roll ng Philippine Anti-Graft Commission para sa government agencies na lumalaban kontra graft and corruption.

Ayon pa kay Soriano, sinulatan na ng kanyang grupo si Pangulong Arroyo at nag­mungkahi na ang bagong alok na visa ng BI sa dayuhan na maglalagay ng negosyo sa Pilipinas ay sasakop na tinatawag na foreign principals na ku­kuha ng Pinoy workers.

Dagdag pa ni Soriano, lumabas ang BI sa pagi­ging tradisyunal na law enforcers at naging instrument sa pag-unlad ng bansa. (Butch Quejada)

AYON

BUREAU OF IMMIG

BUTCH QUEJADA

FEDERATED ASSOCIATION OF MANPOWER EXPORTERS

LITO SORIANO

PHILIPPINE ANTI-GRAFT COMMISSION

PILIPINAS

PINOY

SHY

SORIANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with