^

Metro

Wanted sa frustrated murder nadakip sa cellphone snatching

-

Isang suspek sa frustrated murder ang nadakip nang agawin niya ang cell­phone ng isang beautician sa Navotas City kama­kailan.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Eduardo Soria alyas Eddie na matagal nang pinaghahanap dahil sa kinakaharap niyang kasong frustrated murder sa Mala­bon City Regional Trial Court.

Ayon sa pulisya kaha­pon, nang madakip si Soria ay natuklasang merong nakabimbing arrest warrant laban sa kanya na ipinala­bas ni Malabon Judge Leo­nardo Leonida.

Sinabi ni police desk officer PO3 Jerome Espina na na­ gawa lang madakip si Soria dahil sa pang-aagaw nito sa cellphone ni Ron Ereste, 21 anyos, ng Tondo, Manila.

Sa ulat ng pulisya, ganap na alas-10:00 ng gabi kama­kalawa nang mangyari ang insidente sa kahabaan ng Lapu-lapu Avenue, North Bay Boulevard South sa Navotas.

Papasakay sa isang jeep­ney na may biyaheng Ilaya-Divisoria ang biktima nang biglang sumulpot ang sus­pek at agawin ang cell phone nito saka mabilis na tumakas.

Nagsisigaw naman ng tulong ang biktima dahilan upang habulin ng ilang is­tambay ang suspek at ma­aresto bago dalhin sa Na­votas Police kung saan na­batid na isa pala itong wanted.

Nakatakdang dalhin ng mga awtoridad ang sus­pek sa Malabon RTC upang harapin nito ang kasong isinampa laban sa kanya kabilang ang robbery/snat­ching na­man sa piskalya na isi­nampa naman ng bik­tima. (Ricky Tulipat)

CITY REGIONAL TRIAL COURT

EDUARDO SORIA

JEROME ESPINA

MALABON JUDGE LEO

NAVOTAS CITY

NORTH BAY BOULEVARD SOUTH

RICKY TULIPAT

RON ERESTE

SHY

SORIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with