^

Metro

Bakla buking sa nakaw

-

Umaabot sa P60,000 halaga ng mga salapi at mga cell­phone ang natangay ng isang 24-anyos na bakla maka­raang pasukin nito ang isang tindahan ng cellphone kama­kalawa ng hapon sa Marikina City.

Subalit dahil sa pagmamayabang sa kanyang mga ka­barkada ay naaresto ng pulisya ang suspek na si Eduardson Arabe, 24 anyos, residente ng 216 Balubad NHA Barangay Nangka ng nasabing lungsod.

Sa ulat, dakong alas-4:00 ng hapon kamakalawa nang pasukin umano ng suspek ang tindahan ni Joel Inocentes, 29-anyos sa nasabing ba­rangay at pagkatapos tangayin ang P20,000 cash at ibat-ibang mamahaling cellphone ay mabilis itong tumakas patungo sa kanyang mga kabarkada sa Rodriguez, Rizal.

Nang matuklasan naman ng bitkima ang ginawang pan­loloob sa kanya ng suspek ay agad itong humingi ng tulong sa Marikina police na nagsagawa ng follow-up operation.

Isang bakla naman na kakilala ng suspek ang nag­ma­gandang-loob sa awtoridad at itinuro ang kinaroroonan ng suspek sa Rizal dahil nagyayabang umano ito sa mga ka­bar­kada na gigimik sila at ililibre silang lahat dahil madami siyang pera.

Naabutan pa ng pulisya ang suspek na nakikipag-inu­man sa kanyang mga kaibigan at nang tignan ang dalang bag nito ay nasa pag-iingat pa nito ang ibat-ibang klase ng mamahaling cellphone at pera na kanyang ninakaw.

Kasalukuyang nakapiit sa Marikina detention cell ang suspek habang inihahanda ang kaukulang kaso laban dito. (Edwin Balasa)

vuukle comment

BALUBAD

BARANGAY NANGKA

EDUARDSON ARABE

EDWIN BALASA

ISANG

JOEL INOCENTES

MARIKINA CITY

RIZAL

SHY

SUSPEK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with