^

Metro

Mag-iina hinostage ng selosong mister

- Ni Ludy Bermudo -

Isang umano’y selosong mister ang nakapiit ngayon matapos arestuhin sa ginawang pagkukulong o pambibihag sa kaniyang mag-iina sa loob ng kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa San Miguel, Maynila. Napasuko din ng mga awtoridad pagkaraan ng negosasyon ang suspek na si Tago Saripada ng Barangay 648, Islamic Center, C. Palanca St., San Miguel.

Hinostage ni Saripada ang kanyang maybahay na si Almayra Sidic, 21, at dalawang anak na babeng edad na isang taon at dalawang taong gulang dakong alas-10:00 ng gabi, sa loob ng kanilang inuupahang bahay.

Nabatid na may hawak na patalim ang suspek nang hindi nito payagang makalabas ng tahanan ang mag-iina matapos ang mainitang pagtatalo hinggil umano sa pagseselos ng una sa misis na inakusahang may iba nang lalaki.

Una rito, nagbanta na si Sidic na iiwan na ang mister subalit mabilis umanong kumuha ng patalim ang suspek at hinarang sa pintuan ang una at dalawang anak upang hindi maka­layas. Nagsi­sigaw ang babae at nag-iiyak upang humingi ng tulong sa kapitbahay na siyang nagsumbong sa pulisya.

vuukle comment

ALMAYRA SIDIC

HINOSTAGE

ISANG

ISLAMIC CENTER

MAYNILA

NABATID

NAGSI

PALANCA ST.

SAN MIGUEL

TAGO SARIPADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with