^

Metro

74 parak sa Metro Manila sibak

-

Umaabot sa 74 miyembro ng National Capital Region Police Office ang natanggal sa serbisyo habang may 15 naman ang na-demote sa kani-kanilang mga ranggo sa loob ng taong 2008 dahil sa samut-saring paglabag sa batas.

 Batay sa taunang ulat ni NCRPO chief Director Leo­poldo Bataoil, nakapagtala ang naturang tanggapan ng 74 pulis sa Metro Manila na dinismis sa tungkulin habang 15 naman ang na-demote, 57 ang na-suspinde at dalawa naman ang na-reprimand sa tungkulin.

Kabilang sa mga kasong kinakaharap ng ilan sa mga tinanggal at na-demote ay ang absence without leave o AWOL at negligence in the performance of duty.

Sinabi pa ni Bataoil na isa namang opisyal ng Northern Police District na may rang­gong P/Inspector ang na-dismis sa tungkulin dahil sa paglabag sa Dangerous Drugs Act at Illegal Posses­sion of Firearms.

Isang police superinten­dent naman at isang tauhan nito ang tinanggal sa trabaho dahil sa robbery at arbitrary detention. (Rose Tamayo-Tesoro)

BATAOIL

BATAY

DIRECTOR LEO

DRUGS ACT

ILLEGAL POSSES

ISANG

KABILANG

METRO MANILA

NORTHERN POLICE DISTRICT

ROSE TAMAYO-TESORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with