^

Metro

Fetus ng magandang bebot iniwanan sa bus

-

Isang limang buwang gulang na fetus na hindi ma­batid ang kasarian ang natag­puan sa loob ng isang pampa­saherong bus kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Ayon sa report na natang­gap ng Valenzuela City Police, dakong alas-11 ng gabi nang natagpuan ang fetus na nasa loob ng isang plastic bag mismo sa loob ng isang unit ng Star Bus Liner na may numero ng plaka NXX-835 sa garahe nito sa may kahabaan ng Mc. Arthur Highway, Brgy. Karuhatan ng nabanggit na siyudad.

Nabatid sa konductor na si Rey Abunlandar na isang magandang babae ang su­makay sa kanilang bus sa may bandang Crossing, Man­daluyong City kung saan dala nito ang isang plastic bag.

Pagsapit nila ng bandang Cubao ay bumaba ang babae ngunit hindi nito dala ang plastic bag.

Ayon dito, hindi naman nila pinansin ang naturang plastic bag sa pag-aakalang ito ay basura lamang.

Samantala, isang naagnas na fetus ang natagpuan ng isang empleyado ng Metro Manila Development Authority habang naglilinis ng basura sa Pandacan pumping station kahapon ng umaga sa Maynila.

Inilarawan lamang ang fetus na nasa pagitan ng anim hanggang walong buwang gulang subalit hindi na ma­laman ang kasarian nito dahil sa naaagnas na ito.

Kaagad namang dinala upang pansamantalang ilagak ang fetus sa Universal Funeral Parlor. (Lordeth Bonilla at Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

ARTHUR HIGHWAY

AYON

GEMMA AMARGO-GARCIA

ISANG

LORDETH BONILLA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

REY ABUNLANDAR

SHY

STAR BUS LINER

UNIVERSAL FUNERAL PARLOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with