^

Metro

Doorbell nag-overheat:Bahay ng abogado naabo

-

Nag-init na doorbell ang itinuturong dahi­lan sa pakakatupok ng pamamahay ng isang abogado kahapon ng umaga sa Parañaque City.

Ayon sa ulat, nag-umpisang lumiyab ang bahay ni Atty. Edilberto Gaddi sa Kabihasnan corner Bonifacio St. dakong alas-6:41 ng umaga. Lumalabas sa paunang pagsisiyasat na nag-overheat na doorbell sa loob ng bahay ng pamilya Gaddi ang dahilan ng nabanggit na sunog.

Nakabakasyon ang pamilya Gaddi nang mangyari ang insidente. Dakong alas-7:05 naman ng umaga nang tuluyang maapula ng mga pamatay-sunog ang apoy na umabot sa pangalawang alarma.

Wala namang iniulat na nasawi o na­saktan habang inaalam pa kung magkano ang halaga ng mga ari-arian na tinupok ng apoy. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

AYON

BONIFACIO ST.

DAKONG

EDILBERTO GADDI

GADDI

KABIHASNAN

LUMALABAS

NAKABAKASYON

ROSE TAMAYO-TESORO

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with