^

Metro

Manugang kinatay ng 'biyenan'

-

Isang 33-anyos na tricycle driver ang na­patay sa saksak ng kanyang “biyenang hilaw’ dahil sa umano’y pananakit ng una sa anak ng huli kamakalawa ng gabi sa Sta. Cruz, Maynila. Patay na nang isugod sa Jose Reyes Me­morial Medical Center (JRRMC) ang biktimang si Kenneth Garica, ng Limay St, Tondo, Maynila sanhi ng tinamong mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Agad namang sumuko matapos ang isina­gawang krimen ang suspect na si Domingo Conde, 47, may-asawa, vendor, ng Lico St., Tondo, Maynila.

Sa ulat ni SPO3 Ed Martinez ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas- 9:30 ng gabi kamakalawa nang maganap ang   insidente sa New Antipolo St., Sta. Cruz, Maynila.

Nauna rito, sinuntok umano sa mukha ng isang lalaking kasama ng suspect ang biktima habang nag-aabang ng tricycle kasama ang kinakasama na si Sheryll Conde, 19, anak ng suspect. Kasunod umano nito ay inundayan ng paulit-ulit na saksak sa katawan ng suspect ang biktima bago mabilis na tumakas.

Kahapon, nabatid na nai-turn over na ng MPD-Station 7 ang suspect kung saan ito sumu­render matapos ang pamamaslang.

Sa panayam sa suspect, habang nag-aayos siya ng mga pinakyaw na prutas upang ibenta, napuna niya ang pagtatalo ng biktima at anak na si Sheryll at uminit umano ang kanyang ulo nang makitang sakal-sakal ng biktima ang anak habang pinipilit na isama ito. Nang makita umano niyang may hawak na mis­tulang patalim na naka­balot sa diyaryo ang lasing na biktima, kinom­pronta niya ito at aminado siya na inunahan niyang saksakin ang biktima kaysa maunahan umano siya nito. (Ludy Bermudo)

CRUZ

DOMINGO CONDE

ED MARTINEZ

JOSE REYES ME

KENNETH GARICA

LICO ST.

LIMAY ST

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with