^

Metro

Echiverri nagpaalala versus sunog sa Bagong Taon

-

Pinag-iingat ni Caloo­can City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang pub­liko sa posibleng insi­dente ng sunog at pin­salang kaakibat ng papa­sok na Bagong Taon, ka­sabay ang paalala na ka­sado na ang paghahanda ng pamahalaang lungsod.

Itinaas naman ni Echi­verri sa alert status ang pamahalaang lungsod dahil sa mas maraming insidente ng sunog at kaso ng firecracker-related injury sa mga panahong ito.

Kaugnay nito, patuloy sa pagmo-monitor ang Caloocan City Health Department (CHD) sa limang malalaking pagamutan sa siyudad na tinaguriang sentinel hospitals.

Nauna nang namahagi ang mga kawani ng CHD ng “Iwas Paputok” poster sa 44 na public health center at 188 barangay hall, kasabay nang pagbibigay ng mga safety tips sa publiko.

Iniutos din ni Echiverri sa Reformed Department of Public Safety and Traffic Management (RDPSTM) ang mahigpit na pagpa­patupad sa Republic Act 7183 o An Act Regulating the Sale, Manufacture, Distribution, & Use of Firecrackers & Other Pyrotechnic Devices upang masi­guro ang kalig­tasan ng publiko, lalo na ng ka­ba­taan, laban sa mga ipinag­babawal at ilegal na pa­putok.

Kabilang na rito ang piccolo, watusi o dancing firecracker 5-star “Reben­tador,” “Kingkong,” pla-pla at boga o kanyong gawa sa tubo ng PVC.

AN ACT REGULATING THE SALE

BAGONG TAON

CALOOCAN CITY HEALTH DEPARTMENT

CITY MAYOR ENRICO

ECHIVERRI

IWAS PAPUTOK

OTHER PYROTECHNIC DEVICES

REFORMED DEPARTMENT OF PUBLIC SAFETY AND TRAFFIC MANAGEMENT

REPUBLIC ACT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with