Patay na balyena natagpuan
Isang balyena o “Minkle Whale” ang natagpuang patay sa may Pier 13, kamakalawa ng hapon, sa South Harbor, Maynila.
Sa paglalarawan, ka singlaki umano ng dalawang sports utility vehicle (SUV) ang natagpuang balyena na nakalutang malapit sa breakwater sa, Pier 13 ng South Harbor.
Sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), isang hindi nagpakilalang crew ng Super Ferry na M/V Our Lady of Good Voyage ang nakapansin sa bal yena kaya ipinagbigay-alam sa kanilang tanggapan. Ipinarating na rin ng PCG kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) di rector Malcom Sarmiento ang insidente na umano’y nag-utos na isailalim sa awtopisya ang babaeng balyena upang matukoy ang dahilan ng pagkamatay nito.
Nabatid na may isang araw nang patay ang balyena at inihaon din kamakalawa upang hindi na makasama sa kalusugan ng tao sa oras na mabulok ito sa tubig. Posible umanong kaya umibabaw sa karagatan at napadpad sa Pilipinas ang balyena ay upang maghanap ng makakain, naghahanap ng magiging lugar kung saan ito magpapagaling ng sugat o kaya bunga na rin ng pagbabago ng klima, kaya ito umalis sa ilalim ng tubig. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending