^

Metro

Mataas na parusa sa cellphone snatching, suportado ng NCRPO

-

Isinusulong rin ngayon ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) chief, Director Leopoldo Bataoil ang pag-apruba ng Kongreso sa panuka­lang batas na magpapataas sa parusa sa mga mahuhuling suspek sa cell­phone snatching at laptop computer robbery.

Sinabi ni NCRPO chief, Director Leo­­poldo Bataoil na kanyang sinusu­portahan ang House Bill 5409 na inakda ni Iloilo Rep. Raul Gonzalez na layong bigyan ng susunod na mas mataas na parusa ang mga mahuhuling suspek base sa kasalukuyang ipinapatupad na batas.

Sinabi ni Bataoil na makakatulong sa paglaban sa street crimes‚ ang pag­pa­pasa sa naturang panukala. Sinabi nito na nangunguna ngayon ang cell­phone snatching sa krimen na nang­yayari ngayon kada araw sa Metro Manila.

Habang target rin ngayon ng mga magnanakaw ang iba pang digital equip­ments tulad ng personal digital assistants at mga portable laptop computers.

Kasalukuyang nagsisiksikan ngayon sa mga detention cells ng mga istasyon ng pulisya ang mga suspek sa snatch­ing habang paulit-ulit na gumagawa ng krimen dahil sa kasalukuyang maba­bang parusa.

Sa pagpapataas sa parusa, inaasa­han na mas mahihirapan na makapag­piyansa ang mga suspek na maaaresto ng mga otoridad at panghihinaan ng loob dahil sa mataas na parusang naghihintay sa kanila sa oras na mahuli ng pulisya. (Danilo Garcia)

BATAOIL

DANILO GARCIA

DIRECTOR LEO

DIRECTOR LEOPOLDO BATAOIL

HOUSE BILL

ILOILO REP

METRO MANILA

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with