^

Metro

Quezon City shootout: 1 patay, 1 tiklo

- Danilo Garcia -

Isang holdaper ang nasawi, samantalang isa pa niyang kasamahan ang nadakip matapos ang naganap na shootout sa pagitan ng grupo ng una at mga tauhan ng pulisya kahapon ng umaga sa   Batasan Hills, Quezon City.

Kinilala ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Director Leopoldo Bataoil ang nasawing suspect na si T/Sgt. Ferdinand Singol, habang nakilala ang naaresto na si Joel Malabiga, residente ng Group 2 Kanlaon street, Payatas, Quezon City.

Sa inisyal na ulat, nabatid na dakong alas-9 ng umaga nang magka­roon ng habulan sa pa­gitan ng mga tauhan ng PNP-Criminal Investiga­tion and Detection Group at mga suspek na sakay ng isang Toyota Innova (ZFL-188) sa may River­banks, Brgy. Barangka, Marikina City.

Umabot ang habulan sa San Mateo Road sa Brgy. Batasan Hills, Quezon City kung saan nagbabaan ang mga suspek at nagpaputok sa mga humahabol na mga pulis. Dito na nagkaroon ng palitan ng putok na nagresulta sa pagkasawi ni Singol at pagkaka­sukol kay Malabiga habang nakatakas ang isa pa. 

Sugatan naman ma­tapos tamaan ng bala sa balikat ang isang pulis na nakilalang si PO2 Jerry Romero at isinugod sa Malvar General Hospital.

Sa inisyal na intero­gas­yon kay Malabiga, sinabi nito na tinitiktikan nila ang isang establisim­yento sa Marikina nang mapansin nila ang mga pulis na bumubuntot sa kanila kaya nagpasya silang tumakas.

Sinabi naman ni Bataoil na nakatanggap sila ng tip buhat sa isang impormante sa gina­gawang operasyon ng isang sindikato ng mga holdaper sanhi upang rumesponde sa lugar at maispatan ang mga suspek.

Sa inisyal na beripi­kas­yon naman ng Que­zon City Police District (QCPD), nabatid na mga aktibong miyembro uma­no ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga suspek.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BATASAN HILLS

BRGY

CITY POLICE DISTRICT

CRIMINAL INVESTIGA

DETECTION GROUP

DIRECTOR LEOPOLDO BATAOIL

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with