^

Metro

Naaagnas na bangkay ng Koreano, natagpuan

-

Naaagnas na nang matagpuan ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang bangkay ng isang 54-anyos na Koreano sa loob ng kanyang inuupahang condominium unit, kahapon ng umaga sa Quezon city.

Nakilala ang nasawi na si Jang Yeung Keum, pansamantalang nanunuluyan sa 15th floor ng Rosemont Tower, Panay Avenue ng nasabing lunsod.

Sa ulat ni SPO2  Joseph Dino, ng QCPD-Criminal Investigation & Detection Unit (CIDU), dakong alas-9 kahapon ng umaga nang madis­kubre ang bangkay ng biktima nang maamoy ng mga tenant ng katabing condo unit ang masangsang na amoy na nagmumula sa kuwarto ng dayuhan.

Kaagad na ipinagbigay alam ng mga resi­dente sa pulisya ang pagkakalanghap nila ng masangsang na amoy kung saan mabilis na rumesponde naman ang mga alagad ng batas.

Dito sapilitang binuksan ng mga awtoridad ang nakakandadong pinto ng condo unit ni Keum kung saan nakita ang bangkay sa loob ng kuwarto nito. Nabatid na huling nakita itong buhay noong gabi ng Disyembre 24.

 Nahihirapan naman ang mga imbestigador na mabatid agad ang ugat ng pagkasawi ng bik­tima dahil sa naaagnas na ang bangkay. Nakatakdang isailalim sa awtopsiya ng QCPD-Crime Laboratory ang katawan upang ma­laman ang sanhi ng kamatayan.

Nabatid naman na nasa maayos na kon­disyon ang mga gamit sa loob ng condo unit ng Koreano ngunit hindi pa rin isinasaisantabi na may naganap na foul play sa biktima.   (Danilo Garcia)

CRIME LABORATORY

CRIMINAL INVESTIGATION

DANILO GARCIA

DETECTION UNIT

JANG YEUNG KEUM

JOSEPH DINO

KOREANO

NABATID

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with