^

Metro

P.7-M mga paputok nasamsam

-

Aabot sa P.7 milyong ha­laga ng mga ilegal na paputok ang nasamsam ng mga awto­ridad sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City at Maynila, kahapon.

Unang Nasabat ng mga tauhan ng Valenzuela police   ang tinatayang aabot sa P.2 milyong halaga ng iligal na mga paputok habang ibina-biyahe ito sakay ng isang fruit and vegetable cargo truck sa isinagawang checkpoint, kamakalawa ng gabi sa nabanggit na lungsod.

Kasalukuyang nakapiit sa detention cell ng Valenzuela City Police ang driver ng truck na si Antonio Nacion, 39, ng Partida Buhangin, Sta. Maria, Bulacan na nahaharap na­man sa kasong paglabag sa Republic Act 7183.

Base sa nakalap na impor­masyon sa Station Investiga­tion Division (SID) ng Valen­zuela City Police, dakong alas-11 ng gabi nang masabat ng mga awtoridad ang Isuzu Elf (WSU-905) na minama­neho ng suspect sa Brgy. Paso de Blas ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na kasalukuyang nagsasagawa ng checkpoint ang mga awtoridad nang ma­mataan ng mga ito ang Isuzu Elf kung saan ay kapansin-pansin ang kahina-hinalang ikinikilos ng driver nang para­hin ang sasakyan nito.

Agad na tiningnan ng pu­lisya ang laman ng Elf at tumambad sa kanila ang iba’t ibang klaseng iligal na pa­putok na umano’y galing sa Bulacan na dadalhin sana malalaking palengke sa Quezon City.

Hanggang sa kasalukuyan ay inaalam pa rin ng pulisya ang pagkakakilanlan ng sina­sabing amo ng driver upang isama ang pangalan nito sa sasampahan ng kaso.

Samantala sa Maynila, kinumpiska   ng mga tauhan ng MPD-Station 11 ang tina­tayang P.500 milyong halaga ng mga ipinagbabawal na paputok at replica ng baril sa isinagawang pagsalakay sa Binondo, May­nila kahapon ng hapon.

Dakong ala-1:45 ng hapon nang suyurin ang mga lugar sa Tabora, Sta. Elena Sts. at sa paligid ng Divisoria Mall, kung saan lantarang ibine­benta ang mga ipinagbabawal na pa­putok. Kabilang sa nasamsam ang piccolo, 5-star, Kingkong at pla-pla.

Isinama rin sa pag­kum­piska ang mga toy gun na replica ng tunay na baril na matagal nang ipinagbabawal ng pulisya na maari umanong gamitin bilang panakot o sa mga pangho­holdap. (Rose Tamayo-Tesoro at Ludy Bermudo)

ANTONIO NACION

BULACAN

CITY POLICE

DIVISORIA MALL

ELENA STS

ISUZU ELF

LUDY BERMUDO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with