^

Metro

Empleyada ng bangko, nagbigti

-

Pinaniniwalaang depres­yon ang sanhi ng pagbibigti na ikinasawi ng isang babaeng empleyado ng bangko, ma­tapos itong sumailalim sa surgical operation sa kan­yang gall bladder sa Sta Mesa, Maynila, kahapon ng umaga.

Patay na nang isugod sa Lourdes Hospital ang bikti­mang si Digna Cuevas Santos, empleyado ng Bank of the Philippine Island (BPI) ng Bataan St., Bacood Sta Mesa, Maynila.

Sa ulat ni Det. Ricardo Mendoza, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-6 ng umaga nang madiskubre ang pagpa­patiwakal ng biktima sa loob ng kanyang tahanan.

Ayon kay Mendoza, na­gising ang mister ng biktima na si Rolando Santos nang ma­ka­rinig ng kalabog at na­sorpresa sa nakitang naka­han­dusay sa sahig ng ka­nilang kuwarto, habang may nakataling sinturon na kulay itim sa kanyang leeg.

Hindi umano nakayanan ng malaking pako ang itinaling sinturon kaya lumagapak sa sahig ang nagbigting biktima.

Sinabi rin ng hipag ng biktima na si Ofelia Santos na hindi umano nakakatulog ang huli simula nang lumabas ito ng pagamutan matapos operahan.

Bukod umano sa biktima, naospital din ang mister nitong si Rolando bunga ng hyper­tension dahil sa pag-aalala sa misis na ooperahan sa gall bladder.

Inaalam din ng pulisya kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng bik­tima. (Ludy Bermudo)

BACOOD STA MESA

BANK OF THE PHILIPPINE ISLAND

BATAAN ST.

DIGNA CUEVAS SANTOS

LOURDES HOSPITAL

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

OFELIA SANTOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with