^

Metro

Tanod rumesponde sa holdap, napatay

- Ni Ludy Bermudo -

Buhay ang naging ka­palit ng serbisyo ng isang 57-anyos na barangay tanod na rumesponde sa holdapan subalit nabaril at napatay, sa Tondo, Maynila kamakalawa ng hapon.

Hindi na naisalba ng mga doktor ng Gat Andres Boni­facio Hospital ang bik­ti­mang si Bonifacio Odon, ng Happy Land, Tondo bunga ng tina­mong bala sa dibdib.

Arestado naman ang suspect na si Brynner Rodri­guez, alyas “Bryan”, 23, binata, ng Bldg 11, Unit 49, Temporary Housing, Tondo.

Sa ulat ni Det. Joseph Kabigting ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-4:30 kamaka­lawa ng hapon nang ma­ganap ang insidente sa panulukan ng Road 10 at Capulong Sts., Tondo.

Nabatid na habang nag­papatrulya ang biktima ay na­ aktuhan nito ang gina­gawang panghoholdap ng suspect sa isang pampasa­herong dyip kaya nag­tangka itong arestuhin ang suspect. Dahil sa nakitang ar­mado ang suspect ay nag­tago pa umano sa poste ang biktima at nang papa­lapit ito sa nasabing dyip ay agad siyang pinu­tukan ng suspect gamit ang kalibre .38 baril.

Mabilis namang sumak­lolo ang mga barangay officials sa lugar na ikina­dakip ng suspect na nag­tangkang tumakas.

vuukle comment

ARESTADO

BONIFACIO ODON

BRYNNER RODRI

CAPULONG STS

GAT ANDRES BONI

HAPPY LAND

JOSEPH KABIGTING

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

SHY

TEMPORARY HOUSING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with