Divisoria sinalakay

Sinalakay kahapon ng mga tauhan ng Manila Police District ang ilang mga tindahan ng ipinagba­bawal na paputok at laruang baril sa Divisoria, Manila at kinumpiska ang mga kalakal na ito. 

Tinatayang P500,000 ang halaga ng mga nakumpis­kang paputok at replica ng baril. 

Kabilang sa kinumpiska sa ilang tindahan sa Tabora, Sta. Elena at sa paligid ng Divi­soria Mall ang piccolo, 5-star, Kingkong at pla-pla.

Isinama din ang mga toy gun na replica ng tunay na baril na matagal nang ipinagbabawal ng pulisya. (Ludy Bermudo)

Show comments