Kelot ipinakulong dahil sa wedding ring

Isang lalake ang na­kulong nang mabigo siyang ibalik ang wedding ring ng isa niyang kainu­man sa Malabon City kahapon ng umaga.

Nakilala ang suspek na si Roberto Aco, 28 ng Jacinto St., Concepcion ng lungsod na ito.

Inireklamo ng bikti­mang si Julius Cruz, 21, na dakong alas-10 ng umaga, kainuman niya ang suspek sa Jacinto St. nang hiramin ni Aco ang kanyang wedding ring.

Pinahiram naman ito ni Cruz subalit makalipas ang ilang sandali nang babawiin na ng biktiima ang wedding ring ay ayaw na itong ibigay ng suspek hanggang sa magkaroon ng pagtatalo.

Agad naman naawat ang biktima at ang sus­pek subalit nang hindi pa rin lumilitaw ang wed­ding ring ay pinadakip na ni Cruz sa mga barangay tanod si Aco. Hindi na nakita ang singsing mula noon. (Lordeth Bonilla)

Show comments