^

Metro

Binatilyo pinagtripan

-

Isang binatilyo ang na­saksak kahapon ng alas-3 ng madaling-araw sa kanto ng Cotabato-Cagayan sa Brgy. Ramon Magsaysay, Quezon City. Kinilala lang sa alyas na "Batoy” ang biktima.

Papauwi galing sa tinda­han ang biktima at kaibigan nito nang harangin ng tatlong suspek na pawang mga ka­bataan at nanghingi ng pani­garilyo. Nang walang ma­ibigay ang magkaibigan ay dumukot ng patalim ang isa sa mga suspek at nang makita ito ng kaibigan ni Batoy ay bigla niyang tinadyakan ang sus­pek. Nakita ng suspek na nag­tatago ang biktima sa isang truck, pinuntahan at saka sinaksak. 

Madaling umuwi si Batoy sa kanilang bahay at sinabi sa pamilya at mga pinsan ang pangyayari. Nang dadalhin na si Batoy sa ospital at tutungo sa barangay ang pamilya ay dumating muli ang mga sus­pek at may dalang sum­pak. Sa takot ng mga pamilya ay gini­sing na ang ibang ka­patid at kapitbahay at tuma­wag ng barangay patrol at mobile police ang isang kaanak.

Nawala ang tensyon nang dumating na ang barangay patrol, mobile ng Station 2 at nagising na ang mga ilang kapitbahay.

Nabatid na hindi lamang ito ang unang insidente na na­ganap sa naturang baran­ gay. Halos marami nang bik­tima ng panghoholdap, pa­ngu­­ngur­sunada at noon lamang Dis. 24 ay may naga­nap ding pana­naksak sa naturang lugar.

Pinagha­hanap ng pulisya ang mga ito matapos na mai-blotter ang pangyayari.

BATOY

BRGY

COTABATO-CAGAYAN

ISANG

KINILALA

NANG

QUEZON CITY

RAMON MAGSAYSAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with