Project Archangel pinuri ng solons

Pinuri ng mga mam­ba­batas ang Project Archangel ng Philippine National Police na tumutulong sa mga kapus­palad na mamamayan.

“Isa yang makabuluhang proyekto na aming sinusu­portahan,” sabi ni Senador Francis Pangilinan sa kan­yang text message.

Nagpahayag din si Manila Congressman Bienvenido Abante ng suporta sa natu­rang proyektong ipinapatupad ng PNP Badge of Honor Foundation.

Sinabi ni Abante na tama ang naturang pagkilos ng PNP kasabay ng pagpapa­nukala na dapat ding tutukan ang mga katiwalian para lalong maging malinis ang kapulisan.

“Kakaibang idea yan para mabago ang imahen ng pulis­. Tulungan ang mga nanganga­ilangan sa halip na magpakita ng pagiging macho, matigas, at babaero. Saludo ako kay PNP Chief Director General Jesus Verzosa at sa iba pang mga enforcer,” sabi naman ni House transportation committee Chairman at Rep. Monico Puentevella.

Nais ni Verzosa na ma­tulungan ng foundation ang mga pulis na nanganga­ilangan at mahihirap na bata. (Butch Quejada)

Show comments